/SLIDE/ Blogger Widgets

ADVERTISE HERE

FEATURED

  • After a successful international show in Dubai, Julie Anne San Jose will be back on concert stage this time to give love and showcase her awe-performing talent for the people of the Queen City of the South, Cebu.
  • You have until March 9 (Friday) 2012 to show your support to your favorite music artists, share and spread the news!
  • The fate of country’s most favorite artists are in the hands of worldwide music lovers. MYX, the no. 1 music channel in the Philippines, now embarks on achieving a new milestone, the MYX Music Awards 2012.
  • After having been paried with other stars, John Lloyd Cruz and Angel Locsin get into an “unofficially different” love story in Star Cinema’s pre-Valentine offering.

Monday, April 2, 2012

LIBRENG GAMOT, BAGONG MODUS NA TITIKTIKA NI JULIUS


Di na gaanong uso ang libre ngayon kaya kapag madalas ang pamumudmod ng libre tulad ng gamot, tila dapat ng maghinala dahil baka namomodus operandi ka na.

Kaya naman ng mapansin ito ng isang concerned citizen ay agad niyang binigay ang tip sa “XXX” na tinutukan naman ni Julius Babao. Ayon sa tipster ay namimigay diumano ang isang grupo ng mga kalalakihan sa Novaliches ng libreng gamot sa balat, rayuma, mata, ngipin at iba pang sakit na hindi naman kilalang brand at hindi aprubado para sa kalusugan.

Isang surveillance ang isinagawa ng programa at naaktuhan nga ang isang lalaking nagbibigay ng reseta sa walang muwang na customer. Ang masklap nito ay kalanunan daw ay may bayad na ang ipinamimigay na libeng gamot.

Habang inaalam ni Julius ang puno’t dulo sa panibagong modus operandi ay isang naiibang expose naman ang ibibigay ni Anthony Taberna dahil sa halip na katiwalian ay kabutihang nagagawa naman ng mga pulis ang kanyang isisiwalat. Bagamat masama ang imahen ng mga pulis sa publiko dala ng mga kaliwa’t kanang ulat ng pangongotong at pang-aabuso, may mga pulis ding tapat sa tungkulin at nagsasakripisyo sa ngalan ng serbisyo.

Samantala, bibisitahin naman ni Pinky Webb ang 12 taong gulang na batang binigyang pugay ng “XXX” dahil sa kanyang mahusay na pagsabay ng kanyang pag-aaral at pag-aalaga sa lolong may sakit. Ano na kaya buhay niya ngayon?

Pakatutukan ang “XXX” ngayong Lunes (April 2) pagkatapos ng Bandila¨sa ABS-CBN. Mapapanood din ito ng mas maaga sa DZMM TeleRadyo (SkyCable ch 26) sa parehong araw sa ganap na 9:15 PM. 

0 comments:

Post a Comment