/SLIDE/ Blogger Widgets

FEATURED

  • After a successful international show in Dubai, Julie Anne San Jose will be back on concert stage this time to give love and showcase her awe-performing talent for the people of the Queen City of the South, Cebu.
  • You have until March 9 (Friday) 2012 to show your support to your favorite music artists, share and spread the news!
  • The fate of country’s most favorite artists are in the hands of worldwide music lovers. MYX, the no. 1 music channel in the Philippines, now embarks on achieving a new milestone, the MYX Music Awards 2012.
  • After having been paried with other stars, John Lloyd Cruz and Angel Locsin get into an “unofficially different” love story in Star Cinema’s pre-Valentine offering.

Monday, February 20, 2012

ANTHONY, TUTUKAN ANG P1.5M NA BIGLANG NAGLAHO SA BANGKO

Ibayo na talaga ang katusuhan ng ilang Pilipino ngayon dahil pati ipon mo sa bangko ay maaring madale ng hindi mo nalalaman.


Ito ang tutukan ni Anthony Taberna ngayong Lunes (Feb 20) sa “XXX.”





Isang ginang ang dumulog kay Anthony para ireklamo ang biglang pagkawala ng perang katumbas ay P1.5 million sa kanyang dollar account sa isang bangko. Paano nga ba nangyari ito at ano ang magiging kalalabasan ng pagsisiyasat? Ligtas pa nga ba ang pera natin sa mga bangko?


Samantala, tutugisin naman ni Julius Babao ang inirereklamong pekeng doktor na sumira sa mukha ng isang babae, habang hahanapan naman ng hustisya ni Pinky Webb si Ysa, isang biktima ng aksidente sa kalsada na nag-iwan ng permanenteng kapansanan sa kanya.


Kamakailan, kinilala ng USTv Students’ Choice Awards si Anthony Taberna bilang Best Male News and Current Affairs Program Host para sa kanyang programang “Iba-Balita ni Anthony Taberna” sa Studio 23.


Pakatutukan ang “XXX” ngayong Lunes (Feb 20) pagkatapos ng Bandila¨sa ABS-CBN. Mapapanood din ito sa DZMM TeleRadyo  (SkyCable ch 26) sa parehong araw sa ganap na 9:15 PM.

0 comments:

Post a Comment

RECENT POSTS